^

PSN Palaro

IOC binabantayan ang AIBA

-

Bago pa man ang kontrobersyal na panalo ng mga Thai boxers sa naka-raang 24th Southeast Asian Games sa Nakhon Ratchasima, Thailand noong Disyembre ay nakatuon na ang pansin ng International Olympic Committee (IOC) sa AIBA. 

Ito ang ibinunyag ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose “Peping” Cojuangco, Jr. kaugnay sa masamang estado ng AIBA, ang international boxing federation, sa IOC.

“Boxing internationally is under a close scrutiny of the International Olympic Committee. Iyong kanilang allotment from the IOC of $11 million was withheld in early 2007. It was not given to them outright as compared to the other international federation of sports,” wika ni Cojuangco.

Ang nasabing aksyon ng IOC ay kaugnay na rin sa napapaulat na anomalya sa mga boxing tournaments na pinamamahalaan ng AIBA, nasa ilalim ngayon ng bagong pangulong si Dr. Ching Kuo Wu matapos ang liderato ni Prof. An-war Chowdry. 

“It was only released when they changed their officials and elected a new president at saka lamang naibigay ‘yung partial and the balance was only given after the World Championships in Chicago last August,” wika ng POC chief. 

Kamakailan ay tinang-gap na ng Amateur Boxing Association of Thailand  (ABAT) ang koponan ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) para sa Olympic qualifying meet sa Enero 24 sa Bangkok.

Ito ay matapos na ring utusan ni AIBA executive director Ho Kim si ABAT head Gen. Thaweep Jantararoj na itakda ang panibagong deadline sa pagtanggap ng entries kahapon.

Bago ito, inireklamo na ni ABAP president Manny T. Lopez ang ABAT at si Thaweep sa AIBA matapos hindi padalhan ng imbitasyon para sa Olympic qualifying, ang torneo patungo sa 2008 Olympic Games sa Beijing, China sa Agosto. (Russell Cadayona)

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THAILAND

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

COJUANGCO

DR. CHING KUO WU

HO KIM

INTERNATIONAL OLYMPIC COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with