Pinoy chess players nagparamdam
Magkaibang ruta ang tinahak ng RP chess players sa kanilang naantalang first-round games noong Linggo ng gabi sa first ASEAN Masters Chess Circuit sa
Galing sa pagposte ng apat na sunod na panalo, tumabla ang Pinoy GM na si Mark Paragua sa kababayang FM na si Oliver Barbosa habang nalasap naman ni WNM Christy Lamiel Bernales ang unang kabiguan sa kamay ng kababayang si Woman International Master Beverly Mendoza.
Ang 23-anyos na si Paragua ay nanatili sa tuktok ng liderato na may 4.5 points sa GM (Grandmaster) B event habang si Bernales ay napako sa 3.5 points subalit nanatili sa No. 3 position sa Women International Master (WIM) section.
Sa iba pang kaganapan sa GM (Grandmaster) B event, tumabla din si IM Jayson Gonzales, na nagtatangka ng kanyang third at final GM norm, kay FM Rolando Nolte.
Sa isang banda, nakabuntot si GM Wesley So sa early leader at top seed na si GM Zhang Zhong (2617) ng Singapore, nang magwagi ang Pinoy kid wizard sa kababayang si FM Hamed Nouri, sa kanilang naantalang first-round game.
Ang 14-anyos na Pinoy wonder kid ay may 3.0 points, kasama sina Indon IMs Nathaniel Situru at Tirto at Malaysian IM Mas Hafizulhelmi tungo sa sixth round, kontra sa 4-0 points ni Zhong.
Tinalo naman ni GM Eugene Torre,
- Latest
- Trending