Wala pa ring bagong PBA Commissioner
Katulad noong Disyembre 17, muling naipagpaliban ang paghahayag ng PBA Board of Governors ng bagong PBA Commissioner ngayong umaga.
Ito, ayon kay PBA Officer-In-Charge (OIC) Sonny Barrios, ay bunga ng biglaang pagbiyahe ni PBA chairman Tony Chua ng Red Bull sa Hong Kong sa ngalan ng negosyo.
“The said meeting has been rescheduled for next Thursday, January 17, same time at the PBA Office,” wika kahapon ni Barrios. “So I’ll see you on next Thursday for the announcement of the seventh PBA Commissioner.”
Nakatakda
Matatandaang noong Disyembre 17 ay nabigo rin ang PBA Board na pormal na ihayag ang papalit kay Noli Eala bilang bagong Commissioner ng professional league matapos magtabla sa 5-5 sina Salud at Ramos sa botohan.
Kumpiyansa si Barrios, hanggang sa 2007-2008 PBA Philippine Cup lamang ang tinanggap na termino bilang OIC, na tiyak na ang pagdedesisyon ng PBA Board para sa bagong Commissioner sa Enero 17.
“Sa palagay ko magkakaayos na by the 17th of January as far as I can read the (PBA) Board,” wika ni Barrios. “Medyo they will already come to terms by next week.”
“Kung meron mang stalemate sa Board level, from what I understand, there is already a consultation with the chief owners and their respective Governors. Sa palagay ko magkakaayos na ‘yon kapag ganoon,” dagdag ni Barrios.
- Latest
- Trending