‘Merger’ no-way sa UAAP, pero makikipagtulungan sa SBP
Hindi maisusuko ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang kanilang pag-kakakilanlan, kasaysayan at tradisyon para makipag-isa sa National Collegiate Athletic Association (NCAA).
Ito ang opisyal na pahayag kahapon ni UAAP president Fr. Ermito de Sagon ng
“We are open to proposals of playing for a truly national championship because we have actually been doing that already. And it should be held either before or after our season,” ani de Sagon. “But for us to lose our identity, history and tradition as a league (by agreeing to a merger), I don’t think we (UAAP member schools) are ready to part with that.”
Isang pulong ang idi-naos ng UAAP Board hinggil sa ‘merger’ na pina-plano ng SBP ni Manny V. Pangilinan buhat sa panukala ni executive director Patrick Gregorio.
Hangad ng naturang basketball association na pag-isahin ang UAAP at ang NCAA, pagkukunan ng mga miyembro ng national team para sa Southeast Asian Games, patu-ngo sa isang National Championships.
Ayon kay de Sagon, hindi lamang sa basketball nagpapahiram ang UAAP ng mga atleta para sa national team kundi pati na rin sa iba pang sports kagaya ng swimming, athletics, baseball, softball, archery, wushu at taek-wondo.
“And besides, we are also available to lend our players coming from other sports, not just basketball,” wika ni de Sagon.
Sa panukala ni Grego-rio, isang National Championships sa pagitan ng mga koponan sa UAAP at NCAA ang kanyang bina-balak.
“But there was never any talk of a merger,” pagpapabulaanan ni Dr. Sergio Cao, chancellor ng University of the Philippines na siyang tatayong host ng 2008 UAAP sea-son, sa kanilang unang napag-usapan ni Gre-gorio.
Naglabasan ang istor-ya tungkol sa pagsasanib ng UAAP at NCAA mata-pos makipag-usap ni Gregorio kay Cao tungkol naman sa paglalaban ng dalawang liga na magiging tampok sa Centennial Celebration ng UP ngayong taon. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending