Purefoods nasa semis na

Hindi na hihintayin pa ni coach Ryan Gregorio na mawala sa kanyang mga kamay ang pagkakataong makuha ang hinahangad na unang outright semifinals berth.

 Sa likod ng game-high 29 puntos ni 2006 Most Valuable Player James Yap at depensa nina Jondan Salvador at Romel Adducul kay 6-foot-9 Fil-Tongan Asi Taulava, inangkin ng Purefoods Tender Juicy ang isang 101-87 panalo sa 2008 PBA Philippine Cup kahapon sa Araneta Coliseum.

 Bago ang kanilang tagumpay, nanggaling muna ang Giants sa isang 98-100 pagyukod sa nagtatanggol sa koronang Ginebra Gin Kings noong Disyembre 25.

 Kasabay ng pagpukol ni Yap ng 13 marka sa third period, nilimita naman nina Salvador at Adducul ang 34 anyos na si Taulava sa 4 puntos patungo sa 72-48 abante ng Purefoods sa Coke sa 5:39 nito. 

Kasalukuyan pa ring nangunguna ang Giants sa bisa ng 12-4 kartada sa itaas ng Sta. Lucia Realtors (10-6), Alaska Aces (10-7), Red Bull Barakos (9-7), Magnolia Beverage Masters (9-7), Talk ‘N Text Phone Pals (8-8), Gin Kings (8-9), Tigers (6-10), Air21 Express (6-10) at sibak nang Welcoat Dragons (3-13).

 Bago iposte ang nasabing 24-point lead sa third quarter, isang 9-0 atake muna ang ginawa ng Purefoods upang agawin ang first period, 24-16, buhat sa 15-16 agwat sa Coke, nasa isang two-game losing skid ngayon.

 Habang isinusulat ito ay naglalaro pa ang Sta. Lucia, nasa isang six-game winning roll, at ang Magnolia.

Show comments