Binanderahan ni Filipino maestro Efren “Bata” Reyes, kinikilalang greatest players of all time at Alex Pagulayan ang kampanya ng bansa ng pagulungin ang kani-kanilang katunggali sa 2008 Derby City Classic ‘bank pool’ division na binuksan kahapon sa Executive West Hotel sa Louisville, Kentucky,ang hometown ni American boxing legend at world champion Muhammad Ali.
Subalit hindi pinalad si dating world no.1 Francisco “Django” Bustamante na nasilat ng di-gaanong kilalang si Tom Spencer.
Nagwagi ang 53-year-old na si Reyes, ang 1999 Cardiff World Pool Champion winner kay David Williams, habang si Pagulayan naman, ang 2004 Taiwan World Pool Champion ruler ay nanaig kay Steve Hickman.
Namayani din sina Rodolfo Luat, Santos Sambajon at Jose “Amang” Parica. Tinalo ni Luat si Danny Smith, kinaldag ni Sambajon si Mike Corbley habang si Amang Parica, ay hiniya ang 2007 Derby City Classic 9-ball pool winner na si Niels Feijen ng The Netherlands.
Sa 2007 Derby City Classic bank pool event, nasa ika-2 puwesto si Reyes habang nasa ika-3 puwesto naman si Luat. Ang Amerikanong si Steve Moore ang nagsubi ng korona at plus top purse $10,000.
Si Reyes ang most Filipino gainer noong nakaraang taong Derby, makaraang makopo ang one pocket event at ang master of the table bonus tungo sa $20,000.
Habang sina Luat at Bustamante ay nasa ika-2 hanggang ika-3 puwesto sa 9-ball competition na pinagharian naman ni Feijen at nasa malayong 42nd place si Reyes.