Noosa Shoes ni Sy, ika-8th team ng PBL
Magbabalik na si dating league chairman Dioceldo Dy sa Philippine Basketball League at sa pagkampanya sa kauna-unahang titulo sa liga.
Ngunit ngayon, dadalhin ni Sy ang produkto nilang Noosa Shoes imbes na Blu Detergent sa pagbubukas ng 2008 season sa susunod na buwan.
“We’re back in the PBL under Noosa Shoes,” wika ni Sy.
Noong panahon ng Blu Detergents, nagsilbing chairman ng PBL si Sy ngunit nagfile ng indefinete leave of absence nang magnegosyo sa ibang bansa may limang taon na ang nakakaraan.
Ayon kay Sy, nakipag-usap na siya kina commissioner Chino Trinidad, deputy Tommy Ong at executive assistant Butch Maniego upang ayusin ang ilang problema para maging ikawalong miyembro ng liga.
Ang iba pang miyembro ay ang four-peat champion Harbour Centre, Hapee Toothpaste, Toyota Balintawak, San Mig Coffee, Mail & More, Pharex at Bacchus Energy Drink.
“We already met with the commissioner regarding the matter and they will call an emergency board meeting soon to announce it,” ani Sy.
Si Leo Isaac, gumiya sa dating koponan ni Sy, ang siyang mamamahala sa Shoe Stars na bubuuin ng mga mahuhusay na players ng Mapua Cardinals sa pangunguna ni NCAA MVP Kelvin dela Peña at ilang miyembro ng Arellano chiefs, ang nagdedepensang NCRAA champion.
Ang batang kapatid ni Sy na si Pat Aquino ang manager.
“I promised Cecilio last December that I will do my best to come back and I fulfilled my promise to him,” patungkol ni Sy sa kasalukuyang league chair Cecilio Pedro ng Hapee Toothpaste. (Joey Villar)
- Latest
- Trending