^

PSN Palaro

Fil-Am belles kakampanya para sa Beijing Olympic slot

-

May 12 ginintuang tsansa sina FilAmerican beach volley stars Heidi Ilustre at Diane Pascua para magkatiket patungong 2008 Beijing Olympics.

Sisimulan ng dalawa ang kanilang kampanya para sa Olympic slot sa Marso sa kanilang paglahok sa 2008 FIVB World Tour sa Adelaide, Australia.

Ayon sa kanilang manager na si Tony Liao, sina Iluster at Pascua ay bumalik ng Amerika para sa holiday pagkatapos ng 24th Southeast Asian Games sa Thailand, kung saan nakarating sila sa quarterfinal round.

Sinabi rin ni Liao na magbabalik training ang dalawang beach volleybelles sa ikatlong linggo ng Enero at maging handa sa Australian tourney na nakatakda sa Marso 24-29.

Idinagdag din ni Liao na may kabuuang 12 tournaments na magsisilbing  qualifying events para sa top 24 slots para naman sa 2008 Beijing Olympics.

Ang dalawang FilAm ay kasalukuyan pang number 34 sa mundo na may 674 puntos, ngunit inaasahan ni Liao na aangat pa ang dalawa.

“If they could have a good finish in the first four events in Asia this will eventually change,” ani Liao.

Ang Asian qualifying events ay idadaos sa Shanghai, China sa April 29- May 4; Seoul, Korea sa May 13-18 at Osaka, Japan sa May 20-25.

At kung magiging maganda ang resulta, makakasulong ang dalawa sa main draw at makakakuha na karagdagang 17 ranking points.

“If they make it past the Asian level, they will qualify in the next four Grand Slams events where they can earn double points,” dagdag ni Liao.

Ang apat na  Grand Slam events ay nakatakda naman sa  Berlin, Germany sa June 9-14; Paris, France sa June 16-21; Stavanger, Norway sa June 23-28 at Moscow, Russia sa June 30-July 5. 

ANG ASIAN

BEIJING OLYMPICS

DIANE PASCUA

LIAO

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with