Ang petsa: January 16. Ang lugar: Cuneta Astrodome.
Sa araw na ito magaganap ang isang inaaasahang match ups sa Smart-PBA Philippine Cup.
Makakalaban ni Asi Taulava at ng kanyang Coca-Cola Tigers ang dating koponan na Talk N Text, ang unang pag-tatagpo ng dalawang team sapul nang maganap ang trade na kinabibilangan ni Taulava at ni Ali Peek kasama ang first round pick sa 2008 Rookie Draft.
May dalawa pang naunang nakatak-dang laban ang dalawang team na nabanggit bago ang kanilang pagha-harap ngunit maaga pa lang ay inaaba-ngan na ang pinakahihintay na showdown na ito.
At isa rin ito sa pinakahihintay na pagkakataon ng 6’9 Fil-Tongan.
Hindi kaila sa marami na masama ang loob ng 34 anyos na si Taulava sa pagkakatrade sa kanya na pormal na nagwakas ng kanyang walong taong relasyon sa Talk N Text, ang team kung saan una niyang natikman ang kampeo-nato at ang Most Valuable Player award.
Pagkatapos ng Nov. 28 trade, parang isang sugatang tigre ang laro ni Taulava.
Sa katunayan sa lahat ng nilaro niyang 7 laban sa kanyang bagong team, nagtapos ang Coca-Cola Tiger center ng double figures sa puntos at rebounds para sa average na 15.4 markers (7th overall) at league-best 14.8 rebounds bago ang mahabang holiday season na bakasyon.