Si Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. pa rin ang highest rated player ng bansa sa inilabas kahapon na January 2008 Ratings List ng FIDE (World Chess Federation).
Tangan ng 45 gulang na si Antonio, ang most outstanding Quezon City Athlete ang ELO rating 2529, tatlong puntos ang angat kay No. 2 Wesley So (2526), ang kasalukuyang pinakabatang GM sa buong mundo sa edad na 14.
“Everyday five hours ako nagpa practice sa paglalaro ng chess sa ICC at pag check ng games bukod sa paglalaro ng basketball at pagpunta sa Gym,” sabi ng many times national champion Antonio. “Pero sayang na post pone ‘yung Asian Team Chess Championships sa India dahil handang-handa na tayong lumaban para sa karangalan ng ating bansa.”
Si Antonio na head coach ng RP team na magdedepensa ng kanilang ASEAN Para Games championships trophy sa Enero 16 sa Thailand. Ang ASEAN Para Games ay katumbas ng SEA Games para sa mga atleta na may disabilities. Sa gabay ni Antonio, ang RP chess team ay nasubi ang walo sa kabuuang siyam na gintong medalya sa 2005 Manila edition.
Nasa No. 4 si Eugene Torre (2519), ang Asia’s First Grandmaster, sa likod ni Mark Paragua (2521).
Magkakaroon ng rematch sina Torre at Antonio na hangad makabawi sa kanyang kabiguan sa kanilang 1998 match.
Ito ang iba pang nakapasok sa top 20 RP-Fide rating ranking list ay sina No. 5 GM Darwin Laylo (2508), No.6 IM Rogelio Barcenilla Jr. (2503), No.7 IM Joseph Sanchez (2492), No.8 IM Oliver Dimakiling (2484), No.9 IM John Paul Gomez (2469), No.10 IM Roland Salvador (2462), No.11 IM Jayson Gonzales (2455), No.12 IM Ronald Dableo (2452), No.13 IM Rolly Martinez (2447), No.14 GM Nelson Mariano II (2447), No.15 Dino Ballecer (2434), No.16 GM Buenaventura Villamayor (2425), No.17 IM Julio Catalino Sadorra (2423), No.18 IM Barlo Nadera (2417), No.19 IM Rico Mascariñas (2416), No.20 NM Rolando Nolte (2412).