Marami ang makakaalala ng tagumpay ng De La Salle University sa 2007 season ng University Athletics Association of the Philippines basketball tournament gayundin sa paghahari ng San Beda College sa National Collegiate Athletics Association sa taong ito.
Marahil hanggang nga-yon ay ipinagbibida pa rin ng mga Lasalista ang kanilang malaking panalo sa UAAP sa kanilang klasikong head-to-head match-up kontra sa kanilang mahigpit na karibal na Ateneo de Manila University at kung paano nilang hiniya ang University of the East na nagtala ng bibihirang 14-game sweep para dumiretso sa finals.
Na-sweep ng Eagles ang La Salle sa kanilang dala-wang paghaharap sa eliminations ngunit matamis na paghihiganti sa kanilang mortal na kaaway na Ateneo na kanilang tinapakan para makatuntong sa finals.
Tinalo ng La Salle na su-mandal kina JV Casio, Cholo Villanueva, TY Tang at Rico Maierhofer, ang Ateneo para makuha ang twice-to-beat advantage sa step-ladder semis na resulta ng awto-matikong pagpasok ng UE Red Warriors sa finals matapos ma-sweep ang 14-games ng eliminations.
Pagkatapos tanggalan ng korona ang University of Santo Tomas na nagtakda ng semifinal showdown laban sa La Salle, nangibabaw pa rin ang Archers para kumple-tuhin ang kanilang paghi-higanti.
Isang bendikasyon ang panalo ng La Salle kontra sa East sa best-of-five finals series, 3-2, matapos masus-pindi ng isang season noong nakaraang taon bunga ng kontrobersiya sa paggamit ng mga eligible players. Nagkaroon din sila ng isyu sa Ateneo matapos iprotesta ang panalo ng Eagles sa kanilang unang paghaharap dahil umano sa mga violations ngunit ibinasura ito ng UAAP Board.
Nagkaroon din ng kontro-bersiya ang San Beda sa NCAA nang kalabanin nila ang NCAA Management Committee na umabot na din sa korte ngunit sa dakong huli ay nasolusyunan din ang problema ukol kay Yousif Aljamal.
Inumangan ng NCAA ManCom si Aljamal ng mahabang suspension dahil nakibahagi ito sa Rookie Camp ng Philippine Basketball Association dahil nag-apply ito sa PBA Draft kung saan kinuha siya ng Talk N Text. Labag ito sa alituntunin ng NCAA na di maaaring makibahagi ang isang active player ng liga sa ibang liga kabilang ang rookie camp.
Pumalag ang San Beda na kumuha na ng Temporary Restraining Order para makalaro si Aljamal ngunit para di na lumaki ang isyu, nagkasundo ang San Beda at ManCom at nagboluntaryo na lamang ang Bedans na di palaruin si Aljamal sa kani-lang huling dalawang laro sa eliminations.
Dahil sa Nigerian na si Sam Ekwe at Aljamal, nako-po ng Red Lions ang back-to-back title matapos igupo ang Colegio de San Juan De Letran sa kanilang titular showdown.
Tinanghal na Most Valuable Player si Jervy Cruz ng Tigers sa UAAP at Kevin dela Peña ng Mapua sa NCAA.
Double victory ang taong ito para sa La Salle dahil nag-champion din ang kanilang junior counterparts na De La Salle Zobel sa ‘di inaasahang pag-sweep sa Ateneo High School para sa UAAP juniors basketball trophy.
Nakopo naman ng Ateneo Lady Eagles ang women’s basketball championship matapos ma-sweep ang University of the Philippines sa kanilang titular showdown
Naging susi naman si NCAA Juniors MVP Ryan Buenafe sa pagkopo ng San Sebastian College Recoletos ng ikatlong sunod na championship matapos igupo ang Letran Squires sa kanilang championship series.
Sa ANTA Awards ng NC-AA-UAAP Press Corps, pina-rangalan si Franz Pumaren ng La Salle at Louie Alas ng Letran bilang Coaches of the Year.
Sina Ogie Menor ng San Beda, at Casio ang San Mi-guel Scoring Champion plums habang sina Ekwe at Atenean Nonoy Baclao ang San Miguel Defensive Players of the Year.
Ang ANTA Collegiate Mythical First Team naman ay binubuo ng mga MVP’s na sina Cruz at dela Peña, kasama sina Chris Tiu ng Ateneo, Mark Borboran ng University of the East at si Aljamal.