Isang RBI (runs batted in) ni Marvin Malig sa 6th inning na nagpa-iskor ng run kay Christian Galedo ang naging sanhi ng 9-8 panalo ng Manila Sharks sa Cebu Dolphins kahapon sa Game-Two ng kanilang best-of-three championship series para sa Baseball Philippines Series II sa Rizal Memorial ballpark.
Dahil sa kanilang panalo, ila ngayon ay may tig1-1 panalo-talo sa serye upang magsagupa ngayon hapon sa winner-take all para sa korona ng torneo.
Ngunit ang araw ay para rin kina left fielder Jarus Inobio na may tatlong RBI (runs batted in) sa ikatlong inning kung saan ang Sharks ay naka kumpleto ng batting cycle at umiskor ng 5 malaking run at sa magandang ipinakita sa opensa at depensa ni catcher Edward Landicho.
Ang torneo ay sponsor ng Philippine Sports Commission, Purefoods TJ Hotdogs, Gatorade, Harbour Centre, Inc., Industrial Enterprises Inc., Philippine Transmarine Carriers, Fort Bonifacio Development, Forward Taguig, Philippine Olympic Committee, Gerry Davis Sports, Go Nuts Donuts ay pinamamahalaan nina Chito Loyzaga at Leslie Suntay.
Buhat sa 5-1 ng Sharks, nagsagawa ang Dolphins ng isang rally, ngunit hindi ito naging sapat dahil sa apat na run lang ang kanilang nakamit para makalapit sa 7-5.
Buhat sa yugtong ito, ang dalawang team ay nagsumikap para manalo pero dahil sa bawat iskor ng Dolphins ay tinutumbasan ng Sharks. (Anatoly dela Cruz)