^

PSN Palaro

Magnolia nakabangon

-

Mula sa isang dikitang laro sa third period, pinalobo ng Magnolia ang kanilang bentahe sa 12 puntos sa fourth quarter kontra Alaska para wakasan ang kanilang three-game losing skid.

Tumipa si Lordy Tugade ng 30 puntos, 13 rito ay kanyang hinugot sa final canto, at 5 rebounds para ibigay sa Beverage Masters ang 104-92 tagumpay laban sa Aces sa 2007 PBA Philippine Cup kahapon sa Xavier University Gym sa Cagayan de Oro City.

Matapos ang split ni two-time Most Valuable Player Willie Miller para sa 62-64 agwat ng Alaska, isang maikling 9-0 atake ang ginawa ng Magnolia upang iposte ang 73-62 abante sa huling 1:35 ng third period.

Itinala ng Beverage Masters ang pinakamalaking 13-point lead, 94-81, sa 5:12 ng fourth quarter mula sa basket ni Tugade bago ito naputol ng Aces sa pito, 92-99, sa huling 41.6 segundo buhat sa isang 3-point shot ni Miller.

Sumulong ang Magnolia sa 8-7 kadikit ang Alaska (8-7) sa ilalim ng Purefoods  (11-3) Red Bull  (9-5), Sta. Lucia (8-6), Talk N Text (8-6) kasunod ang Coca-Co-la (6-8), nagdedepensang  Ginebra (6-9), Air21 (5-8) at Welcoat (3-12).

Samantala, tangka  ng Coke na maideretso sa anim ang kanilang arangkada sa pakikipagkita sa  Air21 ngayong alas-7:20 ng gabi matapos ang upakan ng Sta. Lucia at Talk ‘N Text sa alas-4:55 ng hapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City. (RCadayona)

BEVERAGE MASTERS

CUNETA ASTRODOME

LORDY TUGADE

MOST VALUABLE PLAYER WILLIE MILLER

N TEXT

ORO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with