Tapusin na kaya ng Dolphins
Pipilitin ng Cebu Dolphins na talunin ang Manila Sharks mamaya upang tapusin ang kanilang best-of-three serye para maibulsa ang kampeonato ng Baseball Philippines Series II sa Rizal Memorial ballpark.
Nuong nakaraan Miyerkules, pinadapa ng Dolphins ang Sharks, 6-3 upang maaka-una sa kanilang serye at magka-roon ng tinatawag na “Psycological Advantage” sa kanilang paghaharap ngayon sa torneong sponsored ng Philippine Sports Commission, Purefoods TJ Hot-dogs, Gatorade, Mizuno Sports, Harbour Centre. Inc., Industrial Enterprises Inc., Philippine Trasnmarine Carriers, Forward Taguig, Fort Bonifacio Development Corporation, Philippine Olympic Committee, Gerry Davis Sports at Go Nuts Donuts na panangangasiwaan nina Leslie Suntay at Chito Loyzaga.
Ang play-by-play ay mapapakinggan sa Sports Radio (DZSR).
Inaasahan ang magiging starter ng Dolphines ay si pitcher Joseph Orilllana na nuong nakaraan Miyerkules ay matagumpay na pinangunahan ang Dolphins sa pama-magitan ng 3-hitter upang dalhin sa 6-3 panalo ang kanyang team.
Sasaluhan naman siya ni Fulgencio Rances na kasalukuyan nangunguna bilang catcher sa South Selection all star.
Nandiyan naman sina Miggy Corcuera, Anthony Olaybar. Saxson Omandac, Jay-Ar dela Cerna, Emerson Atillano, Mome de Juras at Jerome Bacarisas na bahala sa opensa.
Sa kabilang dako, tinitiyak na ang Sharks ay pasisi-mulan nina pitcher Charlie Labrador at catcher, Rommel Roja at si Ramon Jasmin ay nakaantabay para reliever ni
Sa opensa, siguradong ang itatapat ng Sharks sa Dolphins sina Larry Icban, NinoTator, Christian Galedo, Marvin Malig, Baccus Ledesma at ang leading sa home run king na si Virgilio Roxas.
Kung mananalo ang Dolphins, kanila na ang korona, ngunit kung ang Sharks ang mananalo, bukas ang kanilang rubber-match sa winner-take-all. (Anatoly dela Cruz)
- Latest
- Trending