Bulls nagpalakas sa 2nd

Hanggat maaari ay ayaw bitawan ng mga Bulls ang pagkapit sa ikalawang posisyon patungo sa inaasam na isang outright semifinals berth.

Mula sa isang balance scoring, iginupo ng Red Bull Barakos ang Welcoat, 10697, upang mapalakas ang kanilang ratsada sa 2007 PBA Philippine Cup kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Tumipa si pointguard Topex Robinson at ang nagbabalik na si Cyrus Baguio ng tig15 puntos para sa 95 kartada ng Bulls sa ilalim ng Purefoods at kasunod ang Sta. Lucia (86), Talk N Text  (86), Magnolia (77), nagdedepensang Ginebra (68), CocaCola (58), Air21 (58) at Dragons (311), habang nagdagdag  ng 13 si Junthy Valenzuela at tig10 sina rookie Jojo Duncil at Mike Hrabak.

Huling nakalapit ang Welcoat sa 95102 agwat sa huling 1:02 ng fourth quarter galing kina Joe Devance, Nic Belasco, Jojo Tangkay at Joey Mente kasunod ang basket ni 6foot6 Mac Andaya at freethrows ni Cruz para sa 10695 bentahe ng Photokina franchise, 34.3 rito.

 “Importante lang sa amin huwag kaming mawala sa second place,” ani coach Yeng Guiao sa Bulls. ”I’s still too close to call sabi nga dahil dikit pa ang mga teams sa ngayon.”

 Samantala, magsasagupa  ngayong alas5 ng hapon ang Aces at ang Beverage Masters  sa Xavier University Gym sa Cagayan de Oro City. (RCADAYONA)

Show comments