^

PSN Palaro

ABAP umaasang pakikinggan ng AIBA

-

Inaasahan ng Amateur Boxing Association of the Phi-lippines (ABAP) na diringgin ng AIBA, ang international boxing federation, ang kanilang isa-sampang protesta kaugnay sa dayaang nangyari sa katata-pos na 24th Southeast Asian Games sa Thailand.

Nakatakdang isumite ni ABAP president Manny T. Lopez ang naturang protesta kay AIBA chief Ching Kuo Wu ng Taiwan bago matapos ang kasalukuyang taon at bago ang 2008 qualifying tournament sa Bangkok, Thailand sa Enero 27.   

“Let what happened in Thailand and the subsequent formal protest we are launching not deter us though in our quest for as many Olympic slots we can get for the Beijing Games next year,” ani Lopez kahapon.

Sa 2007 Thailand SEA Games, 16 gold medals mula sa kabuuang 17 weight ca-tegories ang inangkin ng mga Thai boxers, habang ang Fili-pina flyweight lamang na si An-nie Albania ang nakasingit ma-tapos pabagsakin ang kan-yang Thai rival.

Sa kabila ng sinasabing pandaraya ng Thailand sa bo-xing competition, kumpiyansa pa rin si Lopez na makakapag-uwi ng tatlo hanggang apat na Olympic berths ang mga Filipino fighters sa Olympic qualifying.

“We are definitely going to Thailand for the second qualifying tournament for the 2008 Olympic Games,” wika ni Lopez. “We will not waiver in our resolve to institute reforms to this remnants of corrupt practices that are have been happening in the amateur boxing circle.”

Samantala, pormal na ma-tatanggap ni Albania at ng mga national athletes na nag-uwi ng kabuuang 41 gold, 91 silver at 96 bronze medals ang halos P10.3 milyon mula kay Pangu-long Gloria Macapagal-Arroyo ngayong hapon sa Malaca-ñang.

Base sa Incentives Act, ang gold medalist ay tatanggap ng P100,000, habang P50,000 at P10,000 para sa silver at bronze medalists, ayon sa pag-kakasunod.  (RCadayona)

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHI

BEIJING GAMES

CHING KUO WU

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

LOPEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with