BAP-SBP-Tao Corp. partnership magtutulong sa 3-yrs program
Ipinormalisa ng BAP-Samahang Basketbol ng Pilipinas at Tao Corp. ang kanilang partnership para sa pagpapatakbo at pagpopondo ng three-year program para sa partisipasyon ng bansa sa World Basketball Championship sa Turkey sa 2010.
Ang Tao Corp. ng Dumaguete businessman-sportsman Jun Sy ay nangako ng P76.5 million para suportahan ang programa ng SBP sa susunod na tatlong taon kabilang ang National Basketball Training Center na inaasahang makakahubog ng talento para sa mga future international competitions.
Ang SBP at ang Tao Corp. ay mag-i-invest sa training center, na inaasahang magiging susi sa tagumpay ng men’s basketball gayundin ng women’s basketball.
Pinag-usapan ang lahat ng bagay sa pulong sa Ascott Hotel (dating Oakwood) sa Makati nina Sy, SBP executive director Patrick Gregorio, training center director Eric Altamirano at national youth coach Franz Pumaren.
“SBP will have parallel programs with coach Franz Pumaren handling the youth team and coach Eric Altami-rano running the training center. We’ll put together 40 boys and 40 girls. Those from the provinces will be given free tickets to fly here. They will be provided free board and lodging while attending the program. These guys would be our future national players,” ani Gregorio.
Sisimulan ang program sa pamamagitan ng nationwide search para sa promising 14-18-year-old players. Nagpasimula na ng try-out si coach Ramon Fernandez sa Cebu at coach Manny Mitoreda sa Davao at ang susunod ay sa Xavier Sports Center, Iloilo, Bacolod at Cagayan de Oro.
- Latest
- Trending