Hangad nina Gabe Norwood at Al Vergara, dalawa sa SEA Games heroes ng bansa na ipag-patuloy ang kanilang kabayanihan sa pamu-muno sa kani-kanilang teams sa pagsisimula ng semifinals series ng 2008 PBL V-Go Extreme Energy Drink Cup sa Rizal Memorial Coliseum nga-yon.
Mahalagang papel ang ginampanan ng 5-foot-7 na si Vergara sa panalo ng Pinas kontra sa Indonesia ay Malaysia sa nakaraang 24th SEA Games sa Nakhon Rat-chasima, at papanguna-han niya ang Harbour Centre sa pakikipagharap sa San Mig Coffee sa Game 1 ng kanilang best-of-three series sa alas-2:00 ng hapon.
Pumukaw din ng pan-sin ang 6-foot-5 Fil-Am na si Norwood sa four-game sweep ng RP team sa biennial competition at inaasahang muli niyang pamumunuan ang Ha-pee Toothpaste sa pakiki-pagharap sa Toyota Ba-lintawak.
Nakopo ng Toyota Balintawak ang huling semis berth sa pama-magitan ng 81-78 overtime win kontra sa Mail And More kahapon sa The Arena sa San Juan.
Nagtala si veteran Erwin Sta. Maria ng career-high 32 points ngunit si Cholo Villanueva ang umiskor ng dalawang charities sa huling 14.8 segundo ng laro at gu-mawa ng krusyal na steal para sa panalo ng Road Kings. (MBALBUENA)
Toyota Balintawak 81-- Sta. Maria 32, Casio 14, Dedicatoria 8, Jaime 8, Jazul 7, Villanueva 4, Fa-undo 4, Aldave 2, Sena 2, Hayes 0, Guerrero 0, Rod-riguez 0.
Mail & More 78 -- Arel-lano 15, Misa 13, David 11, Santos 9, Gregorio 7, Baracael 6, Canlas 5, Bal-lesteros 4, Bravo 3, Mas-bang 2, Bauzon 2, Bonus 1.
Quarterscores: 14-17; 35-34; 47-56; 70-70; 81-78.