^

PSN Palaro

Toyota kinumpleto ang PBL semis cast

-

Hangad nina Gabe Norwood at Al Vergara, dalawa sa SEA Games heroes ng bansa na ipag-patuloy ang kanilang kabayanihan sa pamu-muno sa kani-kanilang teams sa pagsisimula ng semifinals series ng 2008 PBL V-Go Extreme Energy Drink Cup sa Rizal Memorial Coliseum nga-yon.

Mahalagang papel ang ginampanan ng 5-foot-7 na si Vergara sa panalo ng Pinas kontra sa Indonesia ay Malaysia sa nakaraang 24th SEA Games sa Nakhon Rat-chasima, at papanguna-han niya ang Harbour Centre sa pakikipagharap sa San Mig Coffee sa Game 1 ng kanilang best-of-three series sa alas-2:00 ng hapon.

Pumukaw din ng pan-sin ang 6-foot-5 Fil-Am  na si Norwood sa four-game sweep ng RP team sa biennial competition at inaasahang muli niyang pamumunuan ang Ha-pee Toothpaste  sa pakiki-pagharap sa Toyota Ba-lintawak.

Nakopo ng Toyota Balintawak ang huling semis berth sa pama-magitan ng 81-78 overtime win kontra sa Mail And More kahapon sa The Arena sa San Juan.

Nagtala si veteran Erwin Sta. Maria ng career-high 32 points ngunit si Cholo Villanueva  ang umiskor ng dalawang charities sa huling 14.8 segundo ng laro at gu-mawa ng krusyal na steal para sa panalo ng Road Kings. (MBALBUENA)

Toyota Balintawak 81-- Sta. Maria 32, Casio 14, Dedicatoria 8, Jaime 8, Jazul 7, Villanueva 4, Fa-undo 4, Aldave 2, Sena 2, Hayes 0, Guerrero 0, Rod-riguez 0.

Mail & More 78 -- Arel-lano 15, Misa 13, David 11, Santos 9, Gregorio 7, Baracael 6, Canlas 5, Bal-lesteros 4, Bravo 3, Mas-bang 2, Bauzon 2, Bonus 1.

Quarterscores: 14-17; 35-34; 47-56; 70-70; 81-78.

AL VERGARA

CHOLO VILLANUEVA

DRINK CUP

ERWIN STA

GABE NORWOOD

HARBOUR CENTRE

TOYOTA BALINTAWAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with