Humataw ang San Mig Coffee sa ikalawang quarter upang igupo ang Pharex, 77-65 at makopo ang ikatlong semis berth sa 2008 PBL V-Go Extreme Energy Cup na nagbalik aksiyon kahapon sa The Arena.
Bumawi ang Coffee Kings sa mahinang simula sa paghataw ng 26 points sa second quarter habang nilimitahan ang Medics sa 12 points upang isaayos ang semis showdown sa four-peat seeking Harbour Centre na magsisimula bukas sa Rizal Memorial Coliseum.
Ang 16-2 run na pinangunahan ni Claiford Arao ay sapat na para makabangon ang San Mig sa 14-23 deficit at kunin ang 36-31 lead sa halftime.
Umiskor si Khiel Misa ng kabuuang 10 puntos sa fourth quarter upang tulungan ang Mail & More sa 69-62 tagumpay kontra Toyota Balintawak upang makapasok sa quarterfinals round.
Ang naturang panalo ang nagtulak sa Comets ni Gregorio at Roadkings ni Ariel Vanguardia, may bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage bilang No. 4 team, sa isang ‘do-or-die’ bukas.
“My method worked very well because I have shooters that can defend very well,” wika ni Gregorio, kapatid ni Purefoods’ mentor Ryan Gregorio.
Itinala ng Mail & More ang isang 10-point lead, 39-29, sa second period bago ito naputol ng Toyota sa pagsasara ng third quarter.
Naagaw ng Roadkings ang unahan, 53-52, sa pagsilip ng final canto mula kay Jonathan Aldave hanggang maglunsad ang Comets ng isang 7-0 atake para angkinin ang 59-53 lamang sa huling 5:56 nito.
Kinana ng 6-foot-5 na si Arao ang 11 points sa naturang run upang ilayo ang Coffee Kings.
Nakarating ang Coffee Kings sa Final Four matapos ang apat na attempts.