Isang labanang Royal ang inaasahan ngayong ala-una ng hapon sa simula ng best-of-three kampeonato ng Manila Sharks at Cebu Dolphins para sa 2007 titulong pangkalahatan sa ginananap na Baseball Philippine Series II sa Rizal Memorial ballpark.
Noong huling Sabado, ang Manila ay nakopo ang korona ng North Division samantalang ang Cebu naman ang nakasungkit ng South Division title.
Ang torneo ay sinoportahan ng Philippine Sports Commission, Purefoods Tender Juicy Hotdogs, Gatorade, Harbour Centre Inc,. Mizuno Sports, Industrial Enterprises Inc., Philippine Transmarine Carrier, Philippine Olympic Committee, Gerry Davis Sports at Go Nuts Donuts na pinamamahalaan nina Chito Loyzaga at Lesie Suntay.
Ang Manila Sharks-Harbour Center ay ipinapalagay na liyamado sa dahilan na ang kanilang ace hurler Chalie Labrador ay nakabalik na buhat sa paglalaro sa bansa sa SEA Games na idinaos sa Bangkok, Thailand.
Si Labrador ay tutulungan ng kanyang catcher na si Romel Roha, isa rin miyembro ng Philippine Baseball Team.
Nakahanda din si Romeo Jasmin bilang substitute ni Labrador kung kinakailangan. Sa opensa ay sina Larry Icban, Marvin Malig, Baccus Ledesma Jake Inobio, Richard Landicho at Virgilio Roxas ang bahala.
Ang Cebu ay inaasahang pasisimulan ng southpaw pitcher na si Joseph Orillana na kasama si Fulgencio Rances ay kapwa miyembro ng Philippine team at Ha Seung Jun. Ang kanilang Counterpart sa opensa ay sina Miggy Corcuera, Anthony Olaybar, ang bayani noong nakaraang linggo laban sa Dumaguete, Emerson Atillano, At Jay-ar dela Cerna. (Adela Cruz)