Muling magbabalik sa aksyon ang 2007 PBL V-Go Cup matapos ang halos dalawang linggong pagpapahinga bunga ng pagbibigaydaan sa kam-panya ng RP Team-Har-bour Centre sa katatapos na 24th Southeast Asian Games sa Thailand.
Ang naturang pagkakataon ay nagbunga ng gold medal ng Nationals, kinabibilangan nina Fil-Am Gabe Norwood at two time PBL Most Valuable Player Jason Castro, ni coach Junel Baculi sa 2007 Thailand SEA Games.
“The SEA Games campaign was worth all our sacrifices, and by helping win the gold medal, I hope other players of the league will persevere and work hard to improve their craft,” ani PBL Commissioner Chi-no Trinidad. “Playing for the country is something they have to aspire first.”
Sa pagbabalik ng labanan sa torneo, makakatagpo ng San Mig Coffee ang baguhang Pharex ngayong alas-4:00 ng hapon matapos ang salpukan ng Toyota Balintawak at Mail & More sa alas-2:00 sa The Arena sa San Juan.
Ang tagumpay ng Coffee Kings at Road-kings, tumayong No. 3 at No. 4 teams sa quarter final round, ayon sa pagkakasunod, ang tuluyan nang magbubuo sa four-team semifinals cast kasama ang Hapee Toothpaste Complete Protectors at Harbour Centre Batang Pier.
Ibabandera ng San Mig, binigo ang Pharex, 68-65, sa kanilang unang pagkikita sa pagbubukas ng torneo noong Oktubre 20, sina 6-foot-8 Nigerian Sam Ekwe, Ogie Menor at Pong Escobal ng 2006-2007 NCAA champions San Beda Red Lions.
Kagaya ng tropa ni coach Koy Banal, tinalo na rin ng Toyota ni Ariel Vanguardia ang Mail & More ni Allan Gregorio, 77-68, sa kanilang unang paghaharap.