Cebu, Manila batters magsasagupa sa finals

Isang malakas na hataw ang ibinigay ni right fielder Anthony Olaybar sa unang pukol ni reliever Jeffrey Sinangote ng Dumaguete Uni-Bike ang nagbigay daan para sa 8-7 panalo ng Cebu Dolphins kontra Dumaguete kahapon sa Baseball Philippines Series II sa Rizal Memorial ballpark.

Dahil sa kanilang panalo, ang Dolphins ang itinanghal na kampeon sa South division.

Sa ikalawang laro, binugbog ng Manila ang Marikina, 9-3 upang makopo naman ang North Division championships.

Ginamit ng Sharks ang experience kontra sa kabataan at kulang na karanasan ng kalaban para sa ika-9 na panalo kasama na ang elimination round.

Sa Miyerkules magsisimula na ang labanan sa best of three overall kampeonato ng Manila Sharks at Cebu Dolphins. (A. Dela Cruz)

Show comments