NAKHON RATCHA-SIMA — Binigyan buhay ng Philippine basketball at softball team ang masakit na sinapit ng Philippine boxing team nang iwaga-way nila ang Pamban-sang bandila sa 24th Southeast Asian Games dito.
Pormal na isi-nukbit ng Nationals ang gintong me-dalya nang pa-dapain nila ang host Thailand, 94-53 at wa-long taon nang hawak ng RP ang korona.
Hindi rin nagpa-huli ang Blu Girls at Blu Boys na nag-tala ng im-presibong performance para sungkitin ang gintong medalya sa softball.
Tinalo ng Blu Girls ang Indonesia, 7-0 para kum-pletuhin ang kanilang sweep, habang dinurog naman ng Blu Boys ang Indons, 13-2 para sa dobleng tagumpay.
Pumedal din ng gin-tong medalya si Baby Marites Bitbit sa massed start ng road cycling, ha-bang sumipa ng ginto si Tshomlee Go sa taek-wondo event at wala pa ring tatalo kay John Bay-lon sa larangan ng judo.
Nabahiran ng kontro-bersiya ang palaro, anim na pitong Pinoy boxers na luma-ban sa finals ang nagretiro sa laban bilang hudyat ng kanilang pagkadismya at protesta sa sinapit ng mga babaeng boxers.
Gayunpaman, ba-lewala sa mga Pinoy boxers kung hindi man nila nakuha ang mga poten-siyal na gintong medal ay ng nakataya para lamang maipadama na walang- katotohanan ang tema ng SEA Games na “Spirit, Friendship at Celebrations”.
Noong Miyerkules ng gabi, nagpahayag na ng pagkadismaya ang ilang opisyal dahil sa nangyari sa mga babaeng boxers at kay Marie Antoinette Rivero sa taekwondo na para sa kanila ay nakati-kim ng hindi parehas na tawagan mula sa mga referees.
Bagamat nagbanta ng walkout, hindi na itnituloy ngunit ipinakita nila ang kanilang pagkadismaya sa pamamagitan ng ka-nilang walang kuwentang laban.
At ang anim na gin-tong isinukbit ng atleta, habang sinusulat ang ba-litang ito, ay hindi pa rin nakasapat upang malag-pasan ang Indonesia na may 41 golds na habang 39 ang Pinas.
Habang malayung-malyo na ang host Thailand na may 154 golds, Vietnam (60) at Malaysia (54) kapantay lang natin ang Sinagapore sa gold na may 39 din ngunit lamang tayo sa silvers at bronze.