^

PSN Palaro

Mamiit-Dy tandem lalaban para sa tennis gold

- Dina Marie Villena -

NAKHON Ratchasi-ma -- Nagtambal sina Fil-Ams Cecil Mamiit at De-nise Dy upang sorpesa-hin ang top seeded  Thai tandem nina Somchat Ratiwatana at Tamarine Tanasagurn, 6-4, 6-0 upang makapasok sa mixed doubles finals ng 24th Southeast Asian Games tennis competition dito sa His Majesty The King’s 80th Birthday Anniversary stadium.

Gayunpaman, Thai pair pa rin ang makaka-harap ng mga Pinoy sa finals sa katauhan nina Sanchai Ratiwatna at Na-paporn Tonsalee na pina-talsik naman ang No. 2 Pinoy pair nina Eric Taino at Diane Matias, 6-2, 6-2 sa isa pang laban sa semis at bronze para sa tambalang Pinoy.

Idedepensa naman ni Mamiit ang kanyang koro-na sa men’s signleas fi-nals ngayong alas10 ng umaga kontra sa No. 1 seed na si Danai Udom-choke.

Kumpiyansa at uma-asa si Mamiit na maide-depensa niya ang kan-yang titulo kontra sa ma-lakas na Thai na nagpa-talsik kay Taino sa quar-terfinals ng men’s singles.

“I felt I wasn’t really in shape when I first met Da-nai here. I hope things will be different this time,” wi-ka ni  Mamiit, na yumuko sa Thai, 4-6, 4-6 sa men’s team event kamakailan.

“This time I really want to work him all over the court. Danai is a streaky player but I know I can take him,” dagdag pa ni Mamiit, na kasalukuyang ranked No. 489 sa Association of Tennis Professional rankings.

Tabla sa 3-all ang dalawa sa kanilang anim na beses na pagtatagpo at nasisiyahan ang 31 anyos na si Mamiit na wala siyang injury.

“This is why I’m confident about my game right now,” pagwawakas niya.

ASSOCIATION OF TENNIS PROFESSIONAL

BIRTHDAY ANNIVERSARY

DANAI UDOM

DIANE MATIAS

ERIC TAINO

MAMIIT

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with