Taino pasok sa quarterfinals

NAKHON RATCHASIMA, Thailand — Magaan na tinalo ni Eric Taino ang Vietnamese netter na si Do Min Quanh , 6-2, 6-1 pero nahaharap naman sa mas mabigat na laban sa quarterfinals kontra sa top seed ng Thailand na si Danai Udomchoke sa 24th Southeast Asian Games tennis competition.

Dinispatsa ng kaliweteng Pinoy netter ang Vietnamese sa loob ng 48 minuto at nakapagpahinga ng matagal bago sumabak sa mixed doubles kapartner si Diane Matias upang patalsikin naman ang Malaysian pair nina V.Y Thinthan at Balakrishnan, 6-2, 6-2 para rin sa quarterfinal round.

Hindi naman pinalad si Czarina Mae Arevalo na yumukod kay Luangnam Nudnina, 1-6,3-6 sa women’s singles.

Umusad din sa quarterfinals ang mixed doubles team nina Cecil Mamiit at Denise Dy  na pinayuko ang tambalan nina Rungkat at Wynne Prakusya ng Indonesia, 6-2, 7-5.  (DMV)

Show comments