Pinoy pugs hindi maawat

NAKHON RATCHA-SIMA -- Patuloy ang pananalasa ng Philippine boxing team nang mula sa limang nakatakdang lumaban kahapon ay apat ang nakapasok sa medal round ng boxing competition dito sa 24th Southeast Asian Games. 

Hindi naing masuwerte si Wilfredo Lopez at maging ikalawang boksingerong nabigo sa kalaban mula sa host country.

Masyadong malakas naman si flyweight Alice Kate Aparri sa kalabang si Mu Chay Naw makaraang ilista ang 9-3 tagumpay laban sa taga-Myanmar sa unang laban sa araw na iyon.

At pinigil naman si Lopez ng Thai na si Non Boonjomnong sa huling laban ng Pinoy.

Kasunod ng impresibong panalo ni aparri, hindi nagpahuli sa  light flyweight Albert Pabila, bantamweight Junel Cantancio at lightweight Joegin Ladon para makasama ang walo pang ibang Pinoy na pumasok sa semifinal round.

Nalalagay sa mabigat na pagsubok si Pabila na makakalaban ang Thai boxer sa semis.

Ang isa pang talunan sa opening day ng boxing event ay si Josie Gabungco na yumukod kay  Vietnamese Yen Vu Thi Hai sa kanilang pinweight quarterfinals bout.

Tinalo ni Pabila si Swar Aung Kyaw ng Myanmar 19-4; binugbog ni Cantancio si  Htaik Than, 29-14; at pinayukod ni Ladon ang Cambodian pug na si Syay Ratha Pichai, 22-5.

Isang malakas na right cross ang literal na nagpabagsak sa Pinoy na si Lopez mula kay Boonjomnong, silver medalist sa katatapos na World Boxing Championship  sa Chicago, USA. (DMVillena)

Show comments