NAKHON RATCHA-SIMA -- Makaraan ang tagumpay ng Philippine cycling team sa kabundukan, susubukan naman nilang mamayagpag ngayon sa flat roads sa pagpedal nina Victor Espiritu at Marites Bitbit sa Individual time trial upang madagdagan ang 1-1-2 gold-silver medal sa bulubundukin ng Khao Yai Thieng.
Kapwa magagaling na ITT riders, kung saan ang dating tour champ na si Espiritu ay gold medalist sa 1997 Jakarta Games at runner-up naman sa Vietnam, habang runner-up din si Bitbit sa Tagaytay noong 2005 Manila SEA Games.
Tatakbuhin ng mga riders ang mahaba at magandang kalsada ng Mittrapah Road na may isang oras layo mula dito sa lungsod at babaybayin ang may 42k sa kalalakihan at 30km naman sa kababaihan.
Nais makabawi ni Bitbit mula sa kanyang bronze medal na tinapos sa cross country sa likuran ng dalawang Vietnamese rider.
“I will try to make up in the time trial. I don’t want to go home without a gold medal,” ani Bitbit.
Iba naman ang motibasyon para kay Espiritu, ang paghihiganti at muling maagaw ang titulong kinuha sa kanya sa Vietnam.
“Victor has an old score to settle,” wika ni coach Jomel Lorenzo.
At silver medal sa Vietnam at pagkawala ng tsansang maagaw ito noong 2005 kung saan hindi siya lumaro.
At ito ang nagbigay ng lakas ng loob kay Espiritu. (DMVillena)