Nahaharap sa mabigat na pagsubok ang nagtatangol ng korona na Makati Mariners at Forward Taguig sa kanilang laban sa magkahiwalay na katungguli sa Baseball Philippines ngayon sa Rizal Memorial ballpark.
Sa unang laro sa alas-9 ng umaga, makakaharap ng Mariners ang Marikina Shoe Makers kung saan ay kailangan talunin nila ang nabangit na koponan upang manatili ang kanilang pag-asa na makarating sa finals ng North Division.
Kailangang talunin ng Makati, nagtapos sa elimination round na pangatlo, ang Shoe Makers ng dalawang beses para makuha ang karapatan sa finals kontra sa Manila Sharks na nanguna sa elimination round.
Tulad ng Makati, ang Forward Taguig din ay may kahawig na sitwasyon sa kanilang laban sa Dumaguete na kung saan dalawang beses din nila dapat talunin ang Unibike para makalaban ang Cebu Dolphins para sa finals ng South Division. (Anatoly dela Cruz)