^

PSN Palaro

Matindi ang bakbakan sa Manila Ring Of Fire

-

Maalab na aksiyon ang matutunghayan ng mixed martial arts enthusiasts ngayong linggo (Dec. 9) sa Araneta Coliseum dahil nagpahayag ang lahat ng koponan sa “Ring of Fire Thrilla in Manila” Mixed Martial Arts showdown na hindi padedehado sa kanilang mga kantunggali.

Lahat ng koponan na pinangungunahan ng mga pamosong mixed martial artists na sina Ken Shamrock, Royce Gracie, Josh Barnett at Gokor Chivichyan ay positibong nangako ng panalo na kung hindi man sweep ay tiyak na taob ang kalaban.

Bukas ang weigh-in para sa mga kasali ng Ring of Fire mixed media extravaganza, mula alauna hanggang alas-3:00 ng hapon.

Ang Team Gracie ay nakatakdang sumabak kontra Team Shamrock habang ang Team Barnett ay kakasa laban sa Team Gokor.

Ang mga mananalo sa unang match-up ay tutuloy sa finals sa Macau, China. Ang event organizer Platinum Fighting Productions ay maglulunsad ng tatlo pang laban sa Korea  at Japan bago bumalik sa Manila para sa kabuuan ng limang paligsahan.

Sa ilalim ng MMA format, apat na lalaking fighters at isang babae ang kalahok sa apat na koponan kung saan uusad sa finals ang mga magsisipagwagi.

Ang mga laban ay gaganapin sa loob ng mistulang bilog na rehas kung saan pwedeng ga-mitin ang siko, tuhod at iba pang bahagi ng katawan upang mapasuko ang kalaban.

ANG TEAM GRACIE

ARANETA COLISEUM

GOKOR CHIVICHYAN

JOSH BARNETT

KEN SHAMROCK

MIXED MARTIAL ARTS

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with