^

PSN Palaro

SEAG participants magpupugay sa Thai King

- Joey Villar, Nelson Beltran -

NAKHON RATCHA-SIMA — Ang lahat ng opisyal at atletang kuma-katawan ng Southeast Asian nations at ang sam-bayanan ng Thailand ay magpupugay sa kanilang pinunong si King Bhumi-bol Aduljadej, sa kanyang ika-80 kaarawan sa flag-raising ceremony.

Magbibigay galang ang lahat ng partisipante sa hari ng Thailand pag-katapos ng  flag-raising rites sa Athletes Village malapit sa main venue na ipinangalan sa kanilang pinuno na His Majesty the King’s 80th Birthday Anniversary Stadium.

Ang lahat ng partisi-pante ay magsusuot ng pink shirt sa programang magsisimula ng alas-6:00 ng umaga.

May 200 Filipino athletes at officials ang da-dalo sa seremonya sa pa-ngunguna ni PSC commissioner Richie Garcia, na pumalit kay chef de mission Congressman Monico Puentevella na wala pa rito para sa flag-raising ng bandila ng bansa.

Bandang alas-7:30 ng gabi matapos maitaas ang lahat ng bandila ng mga bansang kalahok, papatayin ang lahat ng ilaw sa buong bansa at sabay-sabay na magsi-sindi ng kandila bilang pagpupugay sa Thai King.

Ang Thailand ay nag-kukulay rosas ngayon dahil lumabas sa ospital ang kanilang hari noong June na nakasuot ng pink na jacket.

“Everyone except the chefs de mission will be in pink. We’re joining the Thai people in honoring His Majesty,” ani Garcia.

Ang SEAG opening ceremonies ay magiging bahagi rin ng pagdiriwang ng kaarawan ni King Bhumibol.

BIRTHDAY ANNIVERSARY STADIUM

CONGRESSMAN MONICO PUENTEVELLA

HIS MAJESTY

HIS MAJESTY THE KING

KING BHUMI

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with