Kung noong mga nakaraang linggo’y ang Purefoods Tender Juicy Giants ang nag-papakunot ng noo ng mga oddsmakers bunga ng pagratsada nito sa Smart-PBA Philippine Cup, ngayon naman ay ang Red Bull Barakos ang nagpapanganga sa kanila!
Hindi halos makapaniwala ang lahat na ang Purefoods ay magtatala ng 7-0 record sa simula ng torneo. Kasi nga’y ang mga pinapaborang teams ay ang Magnolia Beverage Masters at ang Talk N Text.
Hind nga earth shaking ang naging karagdagang manla-larong kinuha ni coach Paul Ryan Gregorio, e. Pero nagawa nilang magkaroon ng winning streak.
Subalit ang streak na iyon ay pinatid ng Red Bull, 87-74 sa kanilang out-of-town game sa Leyte Convention Center sa Tacloban City noong November 17.
Doon nagsimulang humapit ang Red Bull. Iyon ang umpisa ng four-game winning streak ng Barakos na siya ngayong pina-kamainit na koponan sa liga.
Matapos ang panalo kontra Purefoods, isinunod ng Red Bull ang Magnolia (107-95), Talk N Text (109-104) at ang Air 21 (108-95) para umangat sa ikalawang puwesto sa 7-3.
Aba’y ang Purefoods, Talk N Text at Magnolia ang siyang kinukunsiderang top three teams ng PBA samantalang ang Air 21 ang sinasabing pinaka- ‘athletic.’ Hindi biro ang naging achievement ng tropa ni coach Joseller “Yeng” Guiao.
At talaga namang nakakagulat ito lalo’t iisiping bago nag-simula ang torneo ay ipinamigay ng Red Bull sa Magnolia si Larry Fonacier na siyang Rookie of the Year dalawang taon pa lang ang nakalilipas.
At hindi nga ba’t noong na-karaang season ay ipinamigay din ng Barakos sa Magnolia sina Lordy Tugade at Enrico Villanueva ang tatlong manlalarong nabanggit ang siyang nagtulong upang ibigay sa Red Bull ang huli nitong kampeonato!
Kahit na wala ang tatlong ito at may injury si Rich Alvarez, nagagawa ng Barakos na mamayagpag! E, sinu-sino lang naman ang nadagdag sa team? Sina Mark Andaya, Celedon Camaso at rookie Jojo Duncil. Hindi naman matitindi ang mga ito.
Ang nagi-step up ay sina Junthy Valenzuela, Cyrus Baguio at Leo Najorda na mga datihan na rin. So ibig sabihin, ganoon talaga kalalim ang bench ng Red Bull pero hindi lang napapansin.
Sa tutoo lang, kaya naman ganito ang performance ng mga Barakos ay dahil sa coa-ching principle ni Guiao kung saan gamit ang lahat ng kan-yang players. Kahit sino ay binibigyan niya ng pagkakataong makapagpakitanggilas sa hardcourt. Kaya naman handa ang lahat at walang nagiisip na baka ibangko siya.
Hindi tayo magugulat kung mapapantayan ng Barakos ang seven game winning streak ng Purefoods.
* * *
HAPPY birthday sa aking amang si Atty. Amideo Zaldivar na nagdiriwang ng ika-84 kaarawan ngayon gayundin sa aking inang si Judge Maria Carillo Zaldivar, na magdiri-wang ng ika-83 birthday bukas, December 5.