Cariaso, Taulava Co-Players of the Week

Ang mga dati nang naaasa-han ay maaasahan pa rin tulad nina Alaska Ace Jeffrey Cariaso at ang bagong Coca-Cola Tiger na si Asi Taulava,  at sila ang Smart/Accel Co-Players of the Week ng PBA Press Corps para sa linggong Nov. 26-Dec. 2.

Sumusunod sa kanila ang team hindi dahil sa kanilang edad na ngayon ay parehong nasa mid-30s na o sa kanilang kontribusyon sa team, kundi dahil sa magandang halimbawa na kanilang ipinapakita lalo na sa loob ng court para mangibabaw.

Laban sa Coca-Cola kumamada ang 35-gulang na si Cariaso ng team high na 26 points at sinundan niya ito ng 18 points, four rebounds at three assists laban sa defending champion Ginebra para sa ikatlong sunod na panalo ng Alaska na nagsulong sa kanila sa third  7-4 win-loss record.

Sa unang laro ni Taulava para sa Coke matapos itong i-trade ng Talk N Text kapalit ni Ali Peek at ng 2008 draft pick, kumamada ito ng  33 points at 17 rebounds sa pagkatalo ng Coke ngunit sinundan ito ng 26 points, at conference-high 24 rebounds at 5 assists sa 94-79 win laban sa Sta. Lucia Realty  na nagbangon sa Coke sa 8-game losing skid.

Show comments