SSC o UST?

Humantong sa deciding third game ang laba-nan para sa titulo ng Shakey’s V-League Second Conference kung saan umaasa ang University of Santo Tomas na bibitbitin nila ang momentum ng kanilang panalo mula sa Game Two habang hangad naman ng San Sebastian College na makabawi para makuha ang titulo.

Kinuha ng SSC tossers, runners-up sa huling dalawang kumperensiya, ang opening game ng best of three showdown, 25-16, 25-19, 17-25, 23-25, 15-13, noong Biyernes ngunit nakabawi ang Tigresses, nanalo sa first conference, matapos ang 25-16, 25-15, 25-21 tagumpay na nagbu-nga ng winner take all match.

Kaya naman magiging kapana-panabik ang alas-5:00 ng hapong sagupaan ngayon sa The Arena sa San Juan.

“I don’t believe in momentum. Anything can happen in a Game 3,” ani coach August Santamaria ng UST na aasa kina guest player Suzanne Roces at Mary Jean Balse na nagtulong sa 28 points  sa kanilang nakaraang panalo.

“We have to play tougher net defense if we want to win,” wika naman ni SSC coach Roger Gora-yeb na sasandal naman kay Thai import Bualee Jaroensri.         (M.BalBuena)

Show comments