^

PSN Palaro

Minalas pa rin si Padilla

- Joey Villar, Nelson Beltran -

BANGKOK--Hindi pa rin kinapitan ng suwerte si Nathaniel ‘Tac’ Padilla nang muling pumalya ang kanyang baril at mabokya ang Philippines sa araw na ito patungo sa penultimate day ng  24th Southeast Asian Games shootfest sa Thai shooting range sa loob ng Hua Mark Sports Complex kahapon.

Tuluyang gumuho ang pangarap ni Padilla na makasungkit ng medalya nang sa bungad pa lang ay palyado na ang kanyang Pardini pistol sa center fire event.

Mula sa 12th place sa unang putok, ang tanging nagawa lamang ng mga Pinoy shooter ay makapuwesto sa ikapito sa kanyang 572 sa pagsasara ng event kung saan pang13th lamang si Carolino Gonzales (555) at 14th naman si Roberto Donalvo (543).

At sa ikatlong sunod na araw, walang medalyang nasungkit ang Team Philippines makaraang hindi rin nakapuwesto ng maganda sina Emerito Concepcion, Edwin Fernandez at Eddie Tomas sa air rifle three-position event.

Makaraang pumaltos din ang Pardini gun ni Padilla ng dalawang beses sa rapid fire, nagdouble shot naman ito sa center fire na naglagay kay Padilla sa kapahamakan.

Walang nagawa ang perpektong 100 niya sa 5th string at ikalawang best dueling scores na 292 para masungkit kahit man lang ang bronze medal.

Nakuha naman ng  Vietnamese na si Hoang Xuan Vihn na may 582 ang gold at silver kay Thai shooter Parichpatikum Jakkrit na may 579.

Nakuha naman ng Vietnam ang gold sa team event, silver sa Singapore at bronze sa Thailand. Nasa malayong ikaapat na puwesto ang Pilipinas.

“I just can’t understand everything that had happened. This is the first time it happened to me,” wika  ni Padilla, ang most enduring Filipino athlete na nasa kanyang ika15th SEA Games.

“Maybe it’s really not for me but I really felt bad yesterday (Friday in rapid fire). It hurt because I prepared hard and there was no error on my part. The equipment failed me,” dagdag pa ni Padilla.  “The Romanian coach of the Thais observed that Pardini is good but its metals are weak. I’ve been using it only for a year baka marupok talaga.”

CAROLINO GONZALES

EDDIE TOMAS

EDWIN FERNANDEZ

EMERITO CONCEPCION

PADILLA

PARDINI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with