^

PSN Palaro

Latigay, nagbida sa panalo ng SSC

- Mae Balbuena -

Impresibong laro ang ipinamalas ni Laurence Ann Latigay sa pagpukol ng 28 points, kabilang ang spike at block na nag-angat sa San Sebastian College sa klasikong 25-16, 25-19, 17-25, 23-25, 15-13 panalo laban sa University of Santo Tomas sa Game One ng kanilang titular showdown para sa titulo ng Shakey’s V-League sa The Arena sa San Juan.

Sinapawan ng power-hitting na si Latigay, 21-gulang, ang kanyang Thai teammate na si Jaroensri Bualee sa pagdedeliber ng 21 attacks tampok ang apat na blocks na may tatlong service points.

Ang kanyang 21st kill ang sumira ng 13-all deadlock sa deciding fifth set at ang kanyang huling block ang nagselyo ng panalo ng Lady Stags na isang panalo na lamang ang layo sa titulo ng torneong hatid ng Shakey’s Pizza.

Sumandal ang Ateneo sa steady performance ni Lithawat Kesinee, upang makabangon sa masamang simula at igupo ang Adamson, 14-25, 25-21, 25-19, 25-19 para makauna sa best-of-three series sa labanan para sa third place.

Samantala, napili naman si Venus Bernal ng UST ang 100 Plus Player of the Conference sa isang award rites na sponsored ng 100 Plus Energy Drink.

Pinarangalan din sina Janet Serafica ng Adamson bilang most improved player, San Sebastian tossers na sina Latigay bilang power player at Mary Jane Pepito  bilang hustle player,  Ma. Angeli Tabaquero ng UST bilang  sportsmanship award at Ma. Rosario Soriano ng Ateneo bilang pure energy.

ADAMSON

ANGELI TABAQUERO

ATENEO

GAME ONE

JANET SERAFICA

JAROENSRI BUALEE

LADY STAGS

LATIGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with