^

PSN Palaro

Taguig nahaharap sa dalawang laban

-

Nahaharap sa mabigat na pagsubok ngayon ang Forward Taguig sa kanilang double header sa Baseball Philippine Series II na ginaganap sa Rizal Memorial baseball park.

Sa unang laro sa alas 8:00 ng umaga,  ipagpapatuloy ng Taguig at Manila ang kanilang suspended game, na noong nakaraan Linggo ay na-udlot sa 11 inning at tabla sa 1 all ngunit ipinahinto ng mga opisyales dahil sa inabot ng dilim.

Pagkatapos makaharap ng Forward Taguig ang Manila Sharks, magpapahinga lang sila ng isang oras at sasagupa naman sa Marikina Shoe Makers sa alas 9 ng umaga kung saan inulan ang kanilang laban at hindi na itinuloy.

Sa nasabing dalawang laro ng Taguig, kinakailangan nilang maipanalo ang nasabing laban kontra sa Manila Sharks at sa Marikina kung nais nilang makahabol sa Dumaguete para makuha ang ikalawang puwesto sa South Division.

Sa ikatlong laro, maghaharap naman ang Makati at ang Manila kung saan hangad na  mahabol naman ng Makati ang nangunguna sa North Division na Manila sa ala-una. (ADelaCruz)

vuukle comment

BASEBALL PHILIPPINE SERIES

CITY

FORWARD TAGUIG

MAKATI

MANILA SHARKS

MARIKINA SHOE MAKERS

NORTH DIVISION

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with