Timbang hindi magiging problema ni Donaire
Inaasahan ni Filipino world flyweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. na hindi magiging problema ang kanyang timbang para sa kanilang upakan ni Mexican challenger Luis Maldonado sa Disyembre 2 (Manila time) sa Foxwoods Casino sa Mashantucket, Connecticut.
Ayon sa 25-anyos na si Donaire, tatapak siya sa weighing scale sa timbang na 113.6 pounds para sa flyweight division.
“Hindi na kailangan bantayan ang bata to keep track of his weight,” wika ng kanyang father/trainer na si Nonito Sr. kay Donaire, idedepensa ang suot na International Boxing Federation (IBF) at International Boxing Organization (IBO) flyweight belts laban kay Maldonado. “He knows what is needed and he just gets it done.”
Mula sa nasabing timbang, inaasahan ni Nonito Sr. na makukuha ni Donaire ang kinakailangang 112 pound-limit sa oras na ilista ang kanilang timbang ng 29-anyos na si Maldonado sa Sabado (
Iaakyat ni Donaire, tubong General Santos City at ngayon ay nakabase sa San Leandro, California, ang 18-1-0 win-loss-draw ring record kasama ang 11 KOs, samantalang ibabandera naman ni Maldonado ang 37-1-1 (28 KOs) slate.
Kasalukuyang nasa isang 17-fight winning streak si Donaire, ang huli ay nang pabagsakin niya si Armenian warrior Vic Darchinyan sa fifth round para maagaw ang IBF at IBO flyweight titles ng huli noong Hulyo 7 sa Bridgeport, Connecticut.
Si Donaire ang una sa apat na Filipino world champions na magtatanggol ng korona.
Bukod kay Donaire, ang iba pang world champions ay sina IBF minimumweight titlist Florante Condes, World Boxing Organization (WBO) bantamweight ruler Gerry Peñalosa, WBO minimumweight king Donnie “Ahas” Nietes. (RCadayona)
- Latest
- Trending