^

PSN Palaro

HUWAG MALIITIN SI DIAZ

GAME NA! - Bill Velasco -

Hindi pa rin sigurado kung sino ang makakalaban ni Manny Pacquiao,bagamat mukhang mas napupusuan ng WBC international superfeatherweight champion si WBC world Juan Manuel Marquez kaysa kay WBC world lightweight champion David Diaz. Kung salapi lamang ang pagbabatayan,mukhang lamang si Marquez. Maging si Freddie Roach ay nagbitiw na ng salitang walang manonood ng Pacquiao-Diaz, bagamat nahihirapan akong paniwalaan iyan.

Kung sabagay, tama rin, dahil mas malaking sugal kung lalabanan ni Pacman si Diaz. Una, aakyat sa timbang si Pacquiao. Sa kasaysayan ng Philippine boxing, hirap ang mga Pinoy na umakyat sa lightweight.

Halimbawa na lamang si Flash Elorde, na pitong taong di nakatikim ng talo sa junior lightweight, at dalawang sunod na beses natalo sa pag-akyat sa lightweight, sa kamay ni world lightweight champion Carlos Ortiz ng Puerto Rico.

At gutom din si Diaz, na maraming pinagdaanan sa sampung taon bago naging world champion.

“After the Atlanta Olympics, I really didn’t expect anybody to call me,” sabi ni Diaz sa PSN. “Then Bob Arum called. He was the only one who called.”

Bumitaw sa boksing ng dalawang taon si Diaz, dahil nangailangan ng kidney transplant ang kanyang ina. Siya ang naghahatid-sundo sa ospital araw- araw, at nangutang pa para matustusan ang pagpapagamot.

Pagkatapos noon, namatay naman ang kanyang kapatid, sanhi ng AIDS.

Noong 2000, sinubukan ng Meksikano na bumalik, at napunit naman ang kanyang kanang Achilles tendon.

Subalit ngayon, nagwagi si Diaz sa pito sa huling walong laban niya, kasama ang isang draw. Kaliwete pa siya, isa pang pahirap kay Pacquiao. At naghahanap si Diaz ng malaking kita. Bagamat kampeon siya, $350,000 ang pinakamalaki niyang kinita. At kung tutuusin, siya ang nagparetiro kay Erik Morales. Sa kabilang dako naman, baka mas madaling buuin ang laban nila ni Pacquiao, dahil pareho silang hawak ng Top Rank.

Pero ang pinakamalaking problemang haharapin ni Pacquiao ay hindi si Diaz, kundi ang maaaring gamiting gloves. Naiulat sa Philboxing.com na, mula November 18, itinakda ng Nevada State Athletic Commission na, para sa mga lightweight pataas, ang mga mas makakapal na 10-ounce gloves ang gagamitin. Sa WBC, 8-ounce gloves ang ginagamit sa timbang na iyon.

Kung ating gugunitain, sa unang laban ni Pacquiao kontra kay Morales, natalo siya’t isinisi ito sa paggamit ng mas makapal na Winning gloves. Mas gusto ni Pacquiao ang manipis na Cleto Reyes, tinatawag na “puncher’s gloves”.

Siguro nga, mas mainam munang labanan ni Pacquiao si Marquez.

AFTER THE ATLANTA OLYMPICS

CARLOS ORTIZ

CLETO REYES

DAVID DIAZ

DIAZ

ERIK MORALES

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with