^

PSN Palaro

Taguig nahaharap sa dalawang laban

-

Nahaharap sa mabigat na pagsubok ngayon ang Forward Taguig sa kanilang double header sa Baseball Philippine Series II na ginaganap sa Rizal Memorial baseball park.

Sa unang laro sa alas-800 ng umaga,  ipagpapatuloy ng Taguig at Manila ang kanilang suspended game, na noong nakaraan Linggo ay naudlot sa 11 inning at tabla sa 1-all ngunit ipinahinto ng mga opisyales dahil sa inabot ng dilim.

Pagkatapos makaharap Forward Taguig ang Manila Shark, magpapahinga lang sila ng isang oras at sasagupa naman sa Marikina Shoe Makers sa alas-9 ng umaga kung saan inulan ang kanilang laban at hindi na itinuloy.

Sa nasabing dalawang laro ng Taguig, kinakailangan nilang maipanalo ang nasabing laban kontra sa Manila Sharks at sa Marikina kung nais nilang makahabol sa Dumaguete para makuha ang ikalawang puwesto sa South Division.

Sa ikatlong laro, maghaharap naman ang Makati at ang Manila kung saan ay mahabol naman ng Makati ang nangunguna sa North Division na Manila sa ganap na ala-una ng hapon.

Ang torneo ay hatid ng  Philippine Sports Commission, Purefoods TJ Hotdogs, Gatorade, Mizuno Sports, Harbour Centre, Inc., Philippine Transmarine Carriers, Fort Bonifacio Development, Corp., Forward Taguig, Philippine Olympic Committee, Gerry Davis Sports at Go Nuts Donuts. (Adela Cruz)

vuukle comment

ADELA CRUZ

BASEBALL PHILIPPINE SERIES

CITY

FORT BONIFACIO DEVELOPMENT

FORWARD TAGUIG

GERRY DAVIS SPORTS

GO NUTS DONUTS

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with