Silver at bronze hatid ng RP shooters
BANGKOK -- Inihatid ng Filipino trap-shotgun team ang unang medalya para sa Philippines sa 24th Southeast Asian Games kahapon nang kanilang duplikahin ang silver-medal finish sa Manila noong 2005 at sinundan naman ito ng bronze-medal ni Emerito Concepcion sa 10m air rifle event.
Nagtotal sina Erwin Ang, Carlos Carag at Jethro Dionisio ng 312 birds, kulang ng dalawang puntos sa gold-medal winners na sina Lee Wung Yew, Choo Choon Seng at Amat Mohd Zain ng Singapore.
Nagkasya naman sina Concepcion sa bronze sa air rifle kung saan tinalo ang dating seven-time SEAG gold medal winner ng Singaporean ding kalaban na sina Koh Tien Wei at Ong Jun Hong.
Wala sa porma si Ca-rolino Gonzales sa 50m pistol, na pang-14th sa16-kalahok na may 531 puntos kaya hindi ito nakalusot sa elimination round
Nasapol naman ng Singaporeans ang kanilang target sa Day Two ng 2007 SEAG shootfest sa Thai shooting range sa loob ng Hua Mark Sports Complex na siyang bunga ng kanilang maagang pagdating dito, tatlong linggo bago pa man magsimula ang torneo.
Nakabawi sina Lee (107), Amat (106) at Choo (105) kina Ang (105), Carag (105) at Dionisio (102) matapos silang talunin ng mga Pinoy shooters sa nakaraang Asian championship sa Muntinlupa. Ang Philippine trio ay nagtapos bilang third sa likod ng
Si Ang, businessman-sportsman sa Laoag na nanalo ng bronze medal sa individual play sa 2005 games, ay nasibak sa second round at sinundan ito ni Carag.
- Latest
- Trending