BANGKOK -- Maikli ang pasensiya ng marikit na shooter na si Nicole Frances “Nikki” Medina.
Sa muling pagkabigong makakuha ng medalya sa ikalawang pagkampanya sa Southeast Asian Games, sumuko na si Medina.
“Actually, I was just encouraged by my father to take this sport. But just when I began to fall in love with it, mukhang yun sport na ang ayaw sa akin,” ani Medina na mula second place sa 2005 Southeast Asian Championship, hanggang sa fourth sa 2005 SEAG, seventh sa SEA Championship at ngayon ay ninth.
“Nagtampo yata sa akin ang shooting dahil noong una hindi ko siniseryoso,” dagdag ng 18-anyos na si Medina, panganay sa limang anak ng businessman-sportsman na si Anton Medina.
Gayunpaman ay hindi pa rin sumusuko ang RP shooting federation Kay Medina na taga-Isabela at ayon kay association president Art Macapagal hinihikayat nila itong lumipat sa Olympic air rifle at three-position events.(NBeltran)