Cycling team dumating na

BANGKOK -- Dumating na ang unang batch ng RP cycling team dito kahapon.

Ang RP riders na nakatakdang sumabak sa mountain bike events ay sina Joey Barba, Eric Feliciano, Eugenio Quiñones, Nino Surban, Rene Mier, Frederick Parr at Marites Bitbit.

Hangad ng mga RP cylists na makabawi sa kanilang nakakadismayang performance noong 2005 SEA Games.

Nakatakda namang dumating sa Biyernes ang women’s football team at ang sailing team.

Samantala, itinodo na ng Thailand ang kanilang puwersa sa paglalahok ng 1,141 athletes at optimistiko ang mga Thai officials na maibabalik nila sa kanilang poder ang glorya.

Ang Thailand delegation ay inaasahang magsusubi ng 145 hanggang 150 gold medals. Ang Sports Reporters Association of Thailand ay may kumpiyansa at sinasabi nilang hindi bababa sa 160 gold medals ang kanilang magiging produksiyon.

Tiniyak naman ni Thai Olympic Committee president General Yutthasak Sasiprapa na magiging patas ang labanan sa lahat ng events. “All athletes can be sure of one thing that host Thailand will make the 24th SEA Games one of fair play,” ani Sasiprapa.(NB)

Show comments