Si Efren ‘Bata’ Reyes pa rin ang may pinakamagandang puwestong tinapos sa mga Pinoy na lumahok sa katatapos na 40th All-Japan Championships sa Hotel New Archaic Hall sa Amagasakishi, Hyogo Japan bagamat napatalsik ito ng nagkampeon na si Wu Chiaching ng Taiwan sa quarterfinals.
Bagamat talunan, mag-uuwi pa rin ang 53 anyos na Pinoy icon ng JPY250,000 matapos makabilang sa last eight kasama nina 2001 WPC winner Mika “The Iceman” Immonen ng Finland, 2004 WPC runner-up Pei Weichang ng Taiwan at M. Tanaka ng Japan na kapwa mga natalo din sa kanilang quarterfinal matches.
Iniuwi ng 18 anyos na si Wu na tinalo si T. Kuribayashi ng Japan, 11-3 ang halagang JPY 2,000,000.