RP shooters aasinta na ng medalya sa SEAG
BANGKOK -- Sisimulan ng Philippines ang kanilang pagdepensa sa titulo sa 24th Southeast Asian Games ngayon sa pagpagitna ng tatlong Pinoy shooters sa Day 1 ng shooting competition sa Thailand Shooting and Clay Target Ranges dito.
Naghahangad sina Carolino Gonzales, Susan Aguado at Nikki Medina na maging kauna-unahang Pinoy na susungkit ng medalya sa palaro sa kanilang paglahok sa air pistol, 25m women sports pistol at 50m rifle prone events, ayon sa pagkakasunod.
Ang lahat ng tatlong events ay magsisimula sa alas-9 ng umaga. Ang finals ay nakatakda sa ala-una ng hapon at bandang alas-3 ng hapon malalaman na ang kapalaran ng tatlong Pinoy.
Ang lahat ng 19 shooters ay nasa kani-kanilang hotel rooms na noong Linggo at nagpraktis sila kahapon. Gigil na ang team na makapagdeliber bago pa man sa opisyal na pagbubukas ng palaro matapos ang opening ceremonies sa Disyembre 6 sa Nakhon Ratchasima.
Determinado ang Pinoy marksmen na maduplika o malagpasan ang kanilang
Kapwa beterano sina Gonzales at Aguado at kapwa rin mga kampeon sa SEA Games.
Si Gonzales ay puputok sa 50m pistol event na nakatakda bukas, ang araw ding sasabak sa aksiyon sina Emerito Concepcion, Darryl Sandoval at Antonio Hermoso para sa team at individual championships sa 10m air rifle.
Lalahok naman si Aguado sa air pistol habang si Gonzales ay makikipagtambalan kina Nathaniel Padilla at Robert Donalvo sa 25m standard pistol sa Miyerkules.
Lalaruin naman ni Padilla ang kanyang paboritong rapid fire pistol event sa Huwebes.
Nakapasok din sa event na ito si Donalvo habang sina Edwin Fernandez, Eddie Torres at Rocky Padilla ay sasabak sa 50m rifle prone team at individual crowns.
- Latest
- Trending