Donaire handa na

Matapos ang maigting na pagsasanay sa Cebu City, papasok naman si Filipino world flyweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. sa magaang na preparasyon, isang linggo bago ang kanyang unang title defense.

Dumating na kahapon ang Team Donaire sa San Francisco, USA bilang final preparation laban kay Mexican challenger Luis Maldonado sa Disyembre 2 sa Foxwoods Casino sa Mashantucket, Connecticut.

Agad tutungo ang 24-anyos na si Donaire, kasalukuyang International Boxing Federation (IBF) at International Boxing Organization (IBO) flyweight champion, sa boxing gym para magsanay.

“We are not taking Maldonado lightly,” ani Donaire, inagaw ang nasabing dalawang titulo kay Armenian Vic Darchinyan via fifth round KO noong Hulyo 7 sa Bridgeport, Connecticut, sa 29-anyos na si Maldonado.

Dadalhin ni Donaire, tubong General Santos City, San Leandro, California-based, ang 18-1-0 win-loss-draw ring record (11 KOs) laban sa 37-1-1 (28 KOs) ni Maldonado. (RC)

Show comments