Huling alas ni Bobby Pacquiao
Inaasahang personal na panonoorin ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao ang kanyang nakababatang kapatid na si Bobby sa nakatakdang pakikipagsagupa nito ngayon kay Mexican Fernando Trejo sa isang 10-round non-title bout sa Morongo Casino Resort & Spa sa Cabazon, California.
Nasa ringside rin ang 28-anyos na si Pacquiao nang bugbugin ni Mexican fighter Humberto Soto ang 26-anyos na si Bobby noong Hunyo 9 sa
Ito ang unang pagkakataon na magbabalik sa lona si Bobby, nagdadala ng 27-13-3 win-loss-draw ring record kasama ang 12 KOs, matapos sumuko kay Soto sa nasabing non-title super featherweight fight.
Ipaparada naman ng 33-anyos na si Trejo, nasa isang three-fight winning streak ngayon, ang 30-12-4 (18 KO’s) slate.
Ang naturang laban kay Trejo ang sinasabing ‘last ticket’ na ni Bobby para sa kanyang nanga-nganib na professional boxing career na kanyang sinimulan noong 1997 ba-go sumikat noong 2005 matapos talunin si Carlos Navarro para sa World Boxing Council (WBC) Continental Americas super featherweight crown.
Bunga ng pagiging overweight, hinubaran ng WBC si Bobby ng Continental Americas title bago ang kanyang pagdedepensa kay Mexi-can Hector Velasquez noong Nobyembre 16 ng 2006 sa Las Vegas, Nevada.
Sa kabila ntio, pumayag pa rin ang kampo ni Velasquez na harapin si Bobby Pacquiao kung saan umiskor ang Mexican ng isang 11th round disqualification mula sa tatlong ibinatong low blows ng tubong General Santos City.
Ang isa pang sikat na fighter na tinalo ni Bobby ay si American Kevin Kelly noong Hunyo 10 ng
- Latest
- Trending