^

PSN Palaro

Reyes nominadong PBA Commissioner

-

Isa ang dating national team coach na si Chot Reyes sa nominado bilang commissioner ng Philippine Basketball Association.

Kasabay nito, umatras naman para sa naturang posisyon si Bert Manlapit, dating executive ng San Miguel Corporation, na isa sa mga naunang nanomina para pumalit sa Officer-In-Charge na si Sonny Barriors na nagtakeover ng liga makaraang magbitiw sa posis-yon si dating commissioner Noli Eala.

Bunga nito, may apat na pangalan na lamang na pagpipilian ang PBA Board kung sino ang magiging ikapi-tong commissioner ng liga.

Ang iba pang nominado para sa posisyon bukod kay Reyes ay sina Nextel Executive Lambert Ramos, Atty. Chito Salud at ang Samahang Basketbol ng Pilipinas Secretary general Pato Gregorio.

Inaasahang itatalaga pagkatapos ng kasalukuyang Smart PBA Philippine Cup na siyang terminong ibinigay ng board para kay Barrios.

Kabilang sa mga naunang nanomina ngunit umatras na sa labanan sa posisyon ay sina Ricky Palou na dati nang naging opisyal ng liga, Arben Santos.

Kabilang sa Selection Committee ay sina PBA Chairman Tony Chua, dating PBA chairman Ricky Vargas ng Talk N Text at Lito Alvarez ng Air21. (MBALBUENA)

vuukle comment

ARBEN SANTOS

BERT MANLAPIT

CHAIRMAN TONY CHUA

CHITO SALUD

CHOT REYES

KABILANG

LITO ALVAREZ

NEXTEL EXECUTIVE LAMBERT RAMOS

NOLI EALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with