SSC tossers pasok na sa finals

Iginupo ng San Sebastian College ang University of Santo Tomas, 25-19, 23-25, 25-17, 25-21 upang makopo ang unang  final slot sa Sha-key’s V-League Second Conference na nagpatuloy sa The Arena sa San Juan kahapon.

Nilimitahan ng Lady Stags sina Venus Bernal at Mary Jean Balse sa 20-puntos lamang habang umatake naman si Thai import Bualee Jaroensri na may 30-puntos para masiguro ang third straight final appearance ng SSC tossers.

Nasolo ng San Sebastian  ang liderato sa 9-1 record at nalaglag ang dating co-leader na UST sa 8-2 sa ligang sponsored ng Shakey’s Pizza.

Muling nanaig ang Adamson kontra sa La Salle, 25-19, 24-26, 25-23, 25-20, upang makasi-guro ng slot sa battle for third place.

Nanguna si Angela Benting para sa Adamson sa kanyang 25 points na sinegundahan ni guest player Neriza Bautista ng 21 para maduplika ang 3-1 panalo sa elims noong laban sa Lady Archers at tapusin ang kampanya sa 5-6 (win-loss).

Show comments