UST tossers nakasiguro ng playoff

Iginupo ng University of Santo Tomas ang La Salle sa deciding set tungo sa 25-17, 25-16, 18-25, 19-25, 15-8 panalo upang makasiguro ng playoff para sa second finals berth sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League semifinals kahapon sa The Arena sa San Juan.

Binigyang buhay naman ng Ateneo ang kanilang tsansang makapasok sa finals matapos ang 27-25, 25-15; 25-22 panalo laban sa Adamson sa unang laro.

Pinangunahan nina Suzanne Roces at Venus Bernal ang UST tossers para sa pinagsamang 40 points  tungo sa kanilang pagsulong sa 8-1 kartada makaraang pabagsakin ang Lady Archers sa 3-5 na obligado nang manalo sa kanilang huling tatlong laro upang makakuha ng playoff via 3-of-4 incentive rule.

Nagtulong sina Thai import Pinok Kesinee at Charo Soriano sa pinagsamang 42 puntos para isulong ang Lady Eagles sa 6-3 record.

Kailangan pang manalo ng Ateneo, may 1-1 kartada sa semis, upang makakuha ng play-off.

Tuluyan namang nasibak sa kontensiyon ang Adamson na lumasap ng kanilang ikalawang talo sa semis at ikalima sa kabuuang siyam na laro.

Show comments